THE STORY OF MY MOM’S LIFE
This article is an official entry to PEBA Blog Awards 2010.
OFW Supporter Category
I purposely wrote this article in Filipino as an emblem of patriotism showing love to my national language, although I'm purely Bisayan speaking, so I beg your indulgence for some Filipino grammar incoherence, I think that's forgivable. And to my non-Filipino readers, I provided a translator at the end of this post, you can use it so you still can read on and tell me what you have to say.
Sa lahat ng totoong sinulat ko sa blog na to, ito na marahil ang pinaka sa lahat, at ito ang kwento ng buhay ng nanay ko.
Ang kanyang kinalakhang Pamilya
Lumaki sa pamilyang magsasaka ang aking ina, tinaguriang ‘tumandok’ (an Ilonggo term for early village settler) ang kanyang ama sa baryong kinalakihan niya, nirerespeto at kilala ang pamilya nila sa katunayan ang lolo ko ang kaunaunhang punung tagapamayapa sa kanilang barangay.
Pang apat ang ina ko sa pitong magkakapatid, mula nung namatay ang bunso nila sa panganganak, nang hindi man lang nakakita ng doctor, siya na ang itinuring na ‘the only flower among the thorns’ kaya parating pinipingot, yun at ayon na rin sa mga kwento niya.
Lahat ng mga kapatid niyang lalaki ay elementarya lang ang inabot, katuwiran ng kanilang ama, …
……’yung kalabaw nga walang pinag-aralan, eh lumaki namang masunurin’, lalo ka na Elizabeth, sabay tingin daw sa ina ko, …. ‘ke ano pa’t mag-aasawa ka rin, mag-aalaga ng bata, maglalaba, magluluto at maglinis ng bahay, ba’t mu pa kailangang mag-aral?’
Pero sinikap ng ina kung kahit papaano’y grumadweyt ng high school, and kwento pa nga niya … yun daw ang ‘happiest moment ng buhay niya’.
Dahil High School lang ang inabot, pagtatahi ang kina-abalahan niya para kahit papaano’y makatulong sa gastusin nila.
Tiempo namang na-assign sa buludunduking bahagi ng Consunji Logging sa Sultan Kudarat ang aking ama, at dun nag-cross ang landas nila, ang kwento niya, sa ‘bayle’ (community dance night) daw sila unang nagkakilala ng aking ama, di nagtagal ay nagpakasal sila.
Ang Kanyang Binuong Pamilya
Ang kwento sa akin ng ina ko, na-station balik ang ama ko sa planta ng Sarmiento Industries Inc. sa Parang, Maguindanao kaya dun na rin kami nag-aral ng elementarya, ang totoo, di ko na gaanong maalala, siguro dala ng kamusmusan at wala pang ulirat sa mga nangyayari sa paligid. Sa di inaasahang pangyayari, nag-shut down ang sawmill department ng planta nayun at isa ang ama ko sa mga tinamaan ng baton ni retrenchment, noong araw pa pala merong mga ganitong pangyayari. Kaya bumalik uli kami sa Lebak, Sultan Kudarat at dun ipinagpatuloy ang buhay.
Sinikap ng mga magulang kung makapagtapos kami ng pag-aaral sa pamamagitan ng kombinasyon ng pagsasaka, pagtatahi, paglalako ng kung ano-anong produckto … sa katunayan minsan rin akong naka-pagaralan sa isang Seventh-Day Adventist exclusive school, yun ang Mountain View College sa Bukidnon.
Hidwaan ng mga magkakapatid
May asawa at nagtatrabaho na ako nun dito sa Davao City nang umalingasaw ang pinakatago-tagong secreto ng mga lalaking kapatid ng aking ina, dumating ang notice mula sa bangko na ang kanilang 10 hektaryang lupain ay mareremata na, gulat na gulat ang ina ko noon, galit na humihikbing nakikipag-usap sa akin sa telepono, … anong magagawa ko, ako ay hamak na maybahay lamang, di ako nagmimina ng pera para tubusin ang lupaing yun.
Ang nangyari, kinausap pala ng mga lalaking kapatid ng ina ko and lolo at lola ko para i-sangla sa bangko ang titulo, dala narin ng kamangmangan inabot na ng ilang taon bago napagtuunan ng pansin at halos huli na ang lahat. Pero habang buhay daw may pag-asa kaya ‘my supermom to the rescue’ pinagtalunan pa naming mag-ina ‘to nung una, ang sabi ko, …
……’pabayaan mu nang maremata total naman halos wala na tayong parte sa lupang yan at mga kapatid mu lang naman ang nakinabang sa pagsasaka niyan. Isa pa, me lupa naman tayong atin, may nga tanim naman, kaya pabayaan muna.’
Pero nangingibabaw yung kadakilaan ng nanay ko, umutang sa Instek niyang amiga at tinubos yung titulo sa bangko, suma total, lubog sa utang ang ina kong mahal.
Desisyong Mag OFW
Ang totoo nalaman kung mag-OFW (Overseas Filipino Worker) ang nanay ko, isang lingo bago siya lumipad abroad. Sinadya niyang di ipaalam sa akin para din na raw ako mag-alala, maglupasay man ako sa lungkot, dinisisyunan na niya. Ika nga sa awit ‘all my bags are packed and ready to go’.
Ang sabi ko pa nga bakit kailangan mu pang umalis, eh kung yung mga kapatid muna lang yung magbabayad total sila naman yung me sala, … nanliit ako sa sagot ng nanay ko, …
….‘hirap nga silang pakainin ang mga sarili nila, paano pa ba nila mababayaran ang utang na yun.’ Dagdag pa niya, …’kung ako lang, di ko na tutubusin ang lupang yun, pero inisip ko ang mga anak nilang nakadepende sa ‘harvest’ ng lupang ito, ayaw ko silang matulad sa mga magulang nila, hindi nakapag-aral kaya hirap mag-maniubra sa buhay, di ako pwedeng umupu na lamang at titingnan silang unti-unti tinatangay ng agos ng kamangmangan na sa kalauna’y mga walang silbi sa lipunan.
Sa puntong yun napagtantu ko … ‘oo nga kailangan mu nang intervention para ma-break ang tinantawag na vicious cycle na ito’, dahil kung di mu nga mapag-aral ang mga batang ito sigurado maging mangmang at walang alam din at matulad rin sa mga magulang nila, at malamang mas malala pa.
Ang totoo, nakipag-negosasyon pa ako sa nanay ko, baka pwedeng ako nalang ang umalis, dahil naawa naman ako sa kanya, ang resulta napagalitan pa akong parang walang alam, … ‘wika pa niya… naturingan daw akong guro ng Sociology, di ko alam ang social cost ng pag-alis ng isang magulang, …. ‘inisip mu ba kung anung mangyari sa mga anak mu habang wala ka? Naisip ko rin yun, pero sa duda ko sa edad ng nanay kong 55 na mag-OFW, talagang tinangka kong subukan.
Pero, sa kalaunan di ko parin napigil ang nanay ko, ang sabi niya, edad lang ang deperensya sa kanya wala nang iba, kaya binaklas ng agency ang passport niya, pinalitan ang pangalan niya ng Violeta Martinez at 45 lang ang edad niya… sa totoo lang mukha naman talaga siyang 45 at nakalusot sa immigration, ang kwento pa niya, silang mga baklas ang passport, binaklas dahil dinagdagan ang edad at binaklas para bawasan ang edad, ang pinakahuling pumasok sa eroplano, dahil may seremonya pa sa counter ng immigration, sa madaling salita, kasabwat ng tagatatak yung mga taohan din ng ahensiya.
Ang Sulat Mula kay likhang isip .. Violeta Martinez |
Hindi lang pamilya ng nanay ko
…kundi pati narin yung di ko kakilala ang naging benipisyaryo ng pag-kaOFW ng aking ina. Minsan may tumawag sa akin, gustong makipagkita dahil may pinadala daw ang nanay ko para sa akin. Kaya nakipagkita naman ako sa food court ng isang mall dito sa Davao. Kwento pa niya, laking pasalamat niya sa nanay ko dahil nakauwi siyang buhay, sabay abot ng kalahating bote ng Victoria Secret na cologne, garalgal na ang boses niya at tumutulo na ang luha niya, habang sinasabi ang katagang …
…..‘ito lang ang maibigay ko sayo, ito lang ang maisukli ko sa lahat ng ginawa ng nanay mu, dahil kahit chokolate ni hindi man lang ako nakabili para sa mga anak ko’ kung hindi dahil sa nanay mu malamang cargo na akong iuuwi dito…’ halos hiyang-hiya ako sa mga taong nasa paligid namin, imaginin mung nasa food court kami, lahat sila nakatingin sa amin. Pilit ko namang tinatahan siya.
Kwento pa niya, magkaharap daw yung apartment na tinitirhan nila ng nanay ko sa Kuwait, sinuwerte lang yung nanay ko dahil mabait yung amo niyang pinagdedesign at pinagtatahian niya at nakakalabas sila ng maluwag kahit pa nga di nila day-off, minsang nag-pangabot sila sa tapunan ng basura at humingi siya ng tulong sa nanay ko. Puro pasa ang mukha niya dahil inabuso ng amo, kaya di nagdalawang isip ang nanay kung tulungan siya. Kinausap ng nanay ko yung kaibigan nilang pinoy na taxi driver din sa Kuwait, saktong nagtapon uli siya ng basura, pumarada naman yung taksing kasabwat nila, at idiniretso hatid na siya sa Embassy. Dun na siya pinuntahan ng nanay ko, hindi lang siya ang nakatingga sa Philippine Embassy ng Kuwait…. Marami sila, naawa ang nanay ko kaya yung isang buwang sweldo niya ang ibinigay sa kanya yun ang naging baon niya pabalik sa Pinas. …. Marami pang mga ganitong kwento ang nanay ko, sa huli.. siya yung ateng inuutangan para sa tuition ni Junior, pampaopera ng katarata ng nanay at kamag-anak ni kung sino-sino.
Mama and her designs
Ang Pagkamatay ng tatay niya…..o yung lolo ko ay nangyari sa kalagitnaan ng kontrata niya sa Kuwait…. Dala na rin ng sobrang katandaan, 94 ay bumigay na ang tatay niya, umiyak man siya ng umiyak di na mabubuhay pa, kaya pinili niya nang wag umuwi sa Pinas, ang tanging nagawa lang niya ay ang bayaran ang hospital bill, bayaran ang punerarya, kape at biskwit sa lamay, libing at ang meryienda sa 45 days na padasal and other miscellaneous fees.
Balik OFW
Sa wakas natapos naring bayaran yung hulugang utang, umuwi ang nanay ko sa pinas dala ang sangkatutak na kwento, pero di maitago ang katutuhanang na-aawa pa rin siya sa kalagayan ng kanyang mga kapatid. Kaya sa ikalawang pagkakataon, nag-OFW uli siya, hindi na sa Kuwait dahil, nasa database pa daw ng immigration ang pekeng pangalan niyang Violeta Martinez, kaya minabuti niyang kumuha na ng totoong passport na totoong pangalan niya … sa halip sa Cyprus naman ang destinasyon niya.. nakadalawang taon din siya dun, pero ganun parin ang siste, …. Inday, pauopera ako ng goiter, Inday, pinahinto ko na sa pag-aaral yung panganay ko dahil walang pang-enroll, Inday .. baka naman pwedeng umutang ng pangkapital at tutubuan ko lang, Inday, Inday, Inday. (Inday pala yung tawag sa nanay ko sa pamilyang kinaklan niya)
Going Home for Good.
Namatay ang ina-alaga-an ng nanay kong matanda sa Cyprus, muntik pa raw siyang ma-pulis dahil inakusahan siyang pinatay yung matanda, buti nalang nasa tabi niya yung panganay na anak nang malagutan ito ng hininga. Nakuha naman nya yung benipisyong dapat ay sa kanya, at umuwi na siya nitong August lang, at kinumpirma nya nang hindi na siya muling mag-OFW pa. Nabigyan na niya ng kabuhayan ang bunso kung kapatid, maliban sa akin, nahiya naman akong humingi at ni minsan di ko tinangkang humingi, dahil alam kung mas may nangangailangan pa keysa akin. Kaya ipinagpasalamat ko nalang na ibini-blow-out niya kami ng hapunan.
Sa kasalukuyan ay maayos nang itinataguyod ng kapatid ko ang bunga ng pawis at luha ng ina ko, nakapagpatayo na siya ng service at display center ng mga sprayer ng saging dito sa Davao, kaakibat ang partner nyang isang ring OFW na nasa London pa rin hanggang sa kasalukuyan at pinagpawisan ang karangdagang puhunan.
Conclusion at personal na opinyon
Ang kwento ng ina ko ay isa lang sa mga milyon-milyong kwento ng mga milyon-milyon ding mga OFW na nakikipagsapalaran sa ibang bansa para kumita. Bagama’t hindi lahat ng kwento nila ay napapakinggan natin, sigurado akong iisa lang ang tema ng lahat ng mga kwentong ito – at yan ay pamilya.
Kung ating suriing mabuti ang kultura at ang tradisyong pagpapahalaga sa pamilya ay siyang pangunahing dahilan kung bakit umaalis ang ating mga kakabayan para kumita ng mas malaka-laki upang matustusan ang pangangailagan, maiahon sa kahirapan at matupad ang mga pangarap nila para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Kung pagbabatayan natin ang report ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2009, tinatayang $17.3 billion ang naging kontribusyon ng mga OFW sa liquidity ng Pilipinas, bagay na hindi maitanging naging sanhi ang kontribusyong ito sa pagiging matatag ng economiya ng Pilipinas kahit na nagsilunuran na ang ating mga karatig bansa.
Minsan ko nang tinatanong ang sarili ko kung may kaugnayan ba ang kultura at tradisyong pagpahalaga ng pamilya sa economiya ng ating bansa? At malinaw ang kasagutan base sa statistics na ito.
Suma-tutal, hindi lang ang pamilyang OFW ang direktang nakinabang sa mga dolyares, Yen, Euro, Rial, Dinar na ipinapadala ng ating mga tinaguariang ‘bagong bayani’ ito rin ang nagpapatibay sa economiya ng ating bansa.
At habang naniniwala tayo sa institusyon ng pamilya, at habang napananatili natin ang tradisyon, ang kultura ng pagpahalaga sa pamilya asahan nating meron tayong ‘human capital’ kung tawagin na matatag, matibay, malusog at kapaki-pakinabang sa ating lipunan.
Ako’y nakiisa sa hangarin at panawagan na mas paigtingin pa ng ating pamahalaan ang programang nangangalaga ng kapakanan ng ating mga kababayang OFW.
Pagtibayain ang mga batas na nagprotekta sa pamilya.
Sa huli, pag-napatatag, mapagtibay, mapa-unlad ang pamilyang Pilipino, ang pamilyang OFW, and pundasyon ng ating bayan, walang dudang maging larawan din tayo ng isang matatag, matibay at maunlad na bansa.
Siya nawa!
hi verns. Been reading your blogs. This touched me the most. Your mom is an inspiration...:-) joyce pala here, from kabacan:-)
ReplyDeletems vernz.. this story about your mom's struggle is really very touching.. napakatapang niyang hinarap ang buhay sa ibang bansa para matulungan hindi lamang ang kanyang sariling pamilya kundi pati na rin ang mga taong nasa paligid niyaa t ang mga pamilya ng mga ito. tunay ngang kahanga-hanga ang paggiging busilak ng puso ng iyong ina. saludo ako sa mga katulad niyang itinataguyod ang pamilya sa ibang bayan.
ReplyDeletemaraming salamat po for this entry. will email you po for further instructions. thanks you for gracing PEBA2010 with this very inspiring story.
God bless you and your family
agoy ginoo...taas kau...ako ni copyhon kay ako iprint te....para basahon nako kung libre ko...ehehehe!
ReplyDeletebalik rako sa akong comment pagmahuman nako ug basa...ehehehe!
haba hehehe pero I am interested to finish this but when I get back home kasi nagmamadali ang ina haist mahirap talagang maging ina wahhh
ReplyDeleteholy guacamole i cried reading your entry... walanjo ka!!! hehehe
ReplyDeleteon the bright side,i laughed so hard with the english translation when i translated it... ang layo ng story doon sa english version.. nakakapraning ang translation...
serious na ito... well written.. napaiyak mo talaga ako kasi i see your mom's experience very common among us...
voted for u na, sis! you've got 2 votes na but u need to campaign more. hehe. best of luck! (",)
ReplyDeleteNAiyak naman ako sa kwento mo sis. Bilib talaga ako sa mga OFW, dito sa Canada madaming OFW na nag wo work sa farm at yung iba eh maliliit pa ang mga naiwan na anak diyan sa atin.Kung ako nga isa or dalawang oras lang na maiwan ang mga anak ko sa bahay ng kaibigan eh nag-aalala na ako,how much more sila na maiwan ng matagla-tagal na panahon.
ReplyDeleteNag vote na nga pala ako.
Grabe pala ang storya ni Mama mo ano ate Vernz. ahaba pero ang sarap basahin.. Naboto na kita, goodluck.. You need to invite for more voters hehehe.. Mwah!
ReplyDeletehi, vernz, nkkaiyak nga story mu, babaw pa nman luha ko. i will vote after posting this comment.
ReplyDeletetama ka e, ANG MGA OFWS NATIN ANG MGA NAGPAPAKAHIRAP SA IBANG BANSA PARA MAPANATILING BUHAY ANG ATING EKONOMIYA...MGA PAMILYA NG OFW NA PATULOY NA DUMADAGSA SA PALENGKE, MALL, BAYAD SA ESKWELAHAN, ETC. MGA PERANG PINAGDUDUGUAN NG MGA OFW NA SA BAWAT DOLYAR NA REMITTANCES NILA AY KUMIKITA ANG ATING GOBYERNO NA SIYA NAMANG KINUKURAKOT NG MGA LINTSAK NATING POLITIKO. LUBHANG MAHALAGA SI OFW SA ATING EKONOMIYA, KUNG GAANO KAHALAGA ANG PAMILYA SA ISANG OFW.
ay, napahaba ang aking drama, hehehe
nice story =)
ReplyDeletenakakarelate ako sa kwento istorya ng buhay ng nanay mo at nde ko napigilang tumulo ang aking luha..
ReplyDeleteMy vote is up Ateh Vernz! Ambait-bait naman ng mother mo Ateh, Super Inday!
ReplyDeletewaaaaaaaaaa...nakakaiyak...sana may subtitle na "Ang Bayaning Ina" or "Ang Aking Dakilang Ina".
ReplyDeletekadiyot lang Vernz ha! ayaw suko ha? mas ganahan pa ko mubasa sa imo English kay perfect jud..imo tagalog kay dili waaaaaaa...Peace be with you! pero well-delivered man so okay ra gud. nyahahaha
katawa ko kay Dhemz, kay iya sa daw i-print kay didto ra sya maghilak sa iya bed nyahahahaha.
aww, very touching story. done with the vote na rin pala.
ReplyDeleteHi Vernz I past by your entry yesterday. medyo nadan ko ng ng konti ang life story ni Nanay Inday. Believe it or not maaantig ka sa mga kwento ng iba pa nating mga kababayan na tulad ni Nanay Inday. Minsan nga ang naging bukang bibig ay ginagawa tayo ng palabigasan. ni kamusta wala. pag may kailangan mabango tayo.
ReplyDeleteI Believe na whatever goodness na ginawa ni nAnay ay maibabbalik din ng 100 folds. God's bless the righteous.
Good luck for yor entry Verna. It is great. You have my support.
hello, Vernz! i clicked on PEBA's website but couldn't find your entry!:( i was out of commission for the past 2 days--been to a couple of doctors today kaya late na when i checked you comment.
ReplyDeleteanyway, hat's off to you mother--a woman of courage, no doubt. and thank you for sharing this story. OFW din ang sister ko, and she told me stories about the struggles of our kababayans abroad. it's sad that even the mothers, sisters and daughters would venture to places like Kuwait, Lebanon, KSA and other places that are deemed dangerous to women just to earn a living. sana nga may pagbabago na so our people can find good jobs here and be with their families.
yay, nakita ko na...voted for your entry. good luck!
ReplyDeleteHello Vernz, thank you for the poke I voted you right away. Very inspiring story Vernz, na antig puso ko. Happy weekdays.
ReplyDeleteteacher vernz, i will vote for you!! nakakaiyak naman tong entry mo!!!
ReplyDeleteGood luck!!!
hi sis, voted for you!
ReplyDeletevery touching story, lalo na sa isang katulad kong nasa ibang bansa din.
Ate vernz nag vote na pud ko ug nabasa na jud nako imo entry. Bilib jud ko sa imo inahan oi, superwoman jud, salvador del mundo jud sya sa iya mga igsoon.
ReplyDeleteI hope makadaug jud ka teh.. balato dayun.. hehe
Goodluck!
Voted for your entry,sistah Vernz.Your Mom is a very brave woman and an inspiration to everybody.May God bless you and your family more!
ReplyDeletenaantig naman damdamin ko dito.. ang nanay ko ay isa ring OFW, nga lang maaga siyang nawala sa amin. nagtrabaho din siya sa Kuwait, katulad ng nanay mo, nagtahi at disensyo siya ng mga damit at ang iba ay sa mga prinsesa pa nga, biglang ngflashback sa kin mga time na yun, naisip ko, di kaya nagkasalubong na din sila non ng nanay mo.. haay, dakila ang nanay mo. malaking ambag sa ekonomiya ang mga OFW. sila ang tunay na bayani.
ReplyDeletedone voting for your blog, Vernz; good luck dear :-)
ReplyDeleteHello Ms. Vernz.. Ang haba ng story. Hehe.. Pero binasa ko naman lahat hanggang ending. Naantig naman ang feelings ko sa posteng to.
ReplyDeleteAng aking tatay ay OFW rin.. then ang dalawang kapatid ko. So bilang isang OFW kid, alam na alam ko ang mga dinaranas ng isang ama, ina o kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa. Base na rin kasi sa mga kwento nila. Hindi lahat, maganda... Karamihan nga ay masakit, mahirap, nakakatakot..
Iboboto na rin kita, Ms Vernz. Gumawa rin ako ng entry for PEBA, pero kunyari lang yun. Kasi I was invited sana to join, but hindi talaga pwede kasi baguhan palang ako. So kung may time po kayo, kung pwede sana ay makapunta rin kayo sa aking bahay at basahin na rin ang aking entry (kuno). Salamat po. =)
Ay! Eto nga po pala ang link.. I just wanna share this, if that's okay po. Salamat po.. =)
ReplyDeletehttp://neneleah30.blogspot.com/2010/10/peba-entry-kuno.html
my father was an OFW in the earlier times. they really should be admired for many things. m voting for you :D you must have really valued what your mom has done to have shared this article. nice post!
ReplyDeleteA Time To Weep and A Time To Laugh
Heartifying!
hi vernz na touch naman ako sa kwento ng mommy mo.I'm reading it from start to finish isa syang dakila hanga ako sa kanya .. nga pala nag vote n ako #8, goodluck
ReplyDeleteang galing..kahit mahaba tinapos ko talaga...
ReplyDeleteHi Looking for new online cockfight betting? Here's a site that will sure give you the best online cockfight betting. It is where big bettors are rolling in! Join the Sabongking.com match betting, with a minimum deposit of Php2000. Feel the excitement as it happens inside the cockpit arena: Big derbies, big bettor and clearest video. Feel the adrenalin rush as you watch and place your bets. Be part of the action and not a mere spectator! Be the SABONGKING ! A true gamecockers don't just watch they BET. So start loading your Sabongking virtual points now. Visit the site and SIGN UP! www.sabongking.com
ReplyDeleteHaist, gusto ko sanang mag bakasyon ulet sa Davao
ReplyDeletedavao doctors hospital directory